kilala mo ba ako?

Laguna, San Pedro, Philippines
ako.. si Erika Alyana S. Duran, studyante sa Malayan Colleges Laguna soon to be Malayan University...whaaat.. im taking up digital arts and design.. i like Math but Math doesnt like me that much..i love to draw di ba halata kea nga digital arts and design kinuha ko dba..hehe..mahilig ako sa sports...promise..lalo na basketball at table tennis..gusto mo laro tau minsan....game ako..hehe i need more inspirations...wanna be one of them?

Saturday, July 21, 2007

Ang ERopLano... BOW..



nung bata pa ako, nakikita ko ang mama ko kung paano kami pakainin ni kuya ng mama ko. kunwai raw eroplano yung kutsaritang may lamang dinurog na nilagang patatas o kaya piniyaot na karot. weeeeee!weeeee! may sound effects pa yung mama ko habang duma-dive sa ere yung kutsarita at napapanganga nlng kami sa pag ka elibs at natutuwa sa mga doudle-loops at crash dives ng kutsarita, at gumagarahe na ito sa aming bibig.


HAnggang ngayo, iniisip ko pa kung papaanong hindi tumatapon yung laman pagkain nung kutsarita kahit na nag do-double loops ito. Akala ko dati na may lahi kaming magicians dahil nagagawa iyon ng mama ko. nung nag aaral na ako, mahina ako sa science pero interesado ako sa eroplano. isang bagay lang na hindi ko mage-gets till the end of time. Paano lumulutang sa hangin ang pagkabigat-bigat at pagkalaki-laking bagay? Ayoko masyadong mag isip baka mapunta lang sa Mental Hospital ang kina bukasan ko.hahaha


Kung meron may alam sainyo ng avionics, huwag nyo ng i-explain sa akin at may tendency na kagatin kita sa pag ka gulo ng isip ko.hehe


Dahil wala nga akong ideya sa aeronautics, palagay ko na halata nyo na, na hindi pa ako nakakasakay ng eroplano ni minsan. Hindi lang sandamakmak na tao ang bitbit ng eroplano, may pagka bigat-bigat ding bagahe at mga balik bayan box na naka karga dun. tapos idagdag mo pa yung mga silya na parang kama na.whaaaaaat.. para ka ng nag-angat ng building sa ere! pag nasa may ulap ka na, lulutang pa yung ng pagkatagal tagal. Minsan halos kalahating araw pa.hala..


ano nga ba meron ang eroplano at kahit na mabigat yun ay nakakalipad ng mataas pa sa lipad ng ibon? ang tao kaya kelan makakalipad?..

No comments: